Life - diverted cyberlife of a political life planner

Wednesday, September 22, 2004

Life

hay naku, bigla kong naalala yung first website na ginawa ko nung 1st year college ako sa Mapua Institute of Technology. I hate ROTC kasi nuon at narinig ko yung balita about ROTC cadet na sinalvage and corruption on ROTC. to make it short... isa ako sa mga activist sa ABOLISH ROTC NOW! Program. After 2 years and wala na ngang ROTC at NSTP na, binisita ko ulit ang hindi na naupdate kong site about ABOLISH ROTC NOW at ito, ang mga nabasa ko, halos murahin at magalit na sa akin yung mga cadet officers or on the military things dahil kung ano ano na lang ang mga sinulat nila sa guestbook ng site... hay naku, hindi ko na naupdate yung site kasi nakalimutan ko na yung password, biruin mo 2years na yun noh... basta mas OK na yung NSTP...pero hindi ko na yun inabutan, nag ROTC lang ako ng 1 year... that's all... sa mga nag sign sa guestbook, maraming salamat kahit halos murahin na ako ng iba...

*Nakipag date pala ako kanina kay angela han, isang korean girl, anyway, ibang date ito kasi, nag date kami sa internet shop, kasi nagpaturo siya sa akin na magpagawa ng site and im happy na natulungan ko siya and next to that, na discover ko na sweet siya... kasi nung medyo maiinit sa internet shop at ska lang binuksan nung assistant dun yung aircon, before nun, nakita nya me na naiinitan and medyo may pawis yung nose ko and nabigla ako nang bigla nyang pinunasan yung nose... well, i remember my ex-gf vhanie, very sweet and malambing, with that, i consider na sweet si angela, sa akin dagdag ganda points yun sa kanya as girl... db???

No comments: