saan na ba ang barkada ngayon? - diverted cyberlife of a political life planner

Thursday, August 05, 2004

saan na ba ang barkada ngayon?

"life doesn't always turn out the way you plan it..."

yan ang guiding principle ko sa buhay and it is true... well last july 31 lang binisita namin ni drew & anne si vhanie sa bahay nila sa pasay and she is a mother na talaga... pagbungad namin sa kanya sa 4th floor apartment...natuwa siya, miss niya na daw kami at ang barkada... ha, oo nga noh... san na nga ang barkada? well, ewan ko kung asan na nga sila, basta alam ko ang kasama ko pumunta dun si anne at drew para bisitahin si vhanie at ang kanyang 1 month old nang baby na magiging inaanak ko... well basta ang alam ko si anette hindi talaga makakasama sa dahil nagtext siya sa akin and si ian, donna, april at muriel naman, ewan ko sa kanila, hindi ko alam kung ano ginagawa nila, hindi man lang kasi magparamdam kahit text lang... si santy nagbabantay ng tindahan nila at mag-aasawa na din... nakadisgraya... hehehe... si beshe naman, inaasikaso ang binyag nang anak niya... si spike at shiela mukhang busy sa buhay nila abroad... tuwing may lakad laging si drew, anne at ako nalang ang natutuloy... ewan ko ba... san nga kaya sila...???

No comments: