Would you believe this? Nangyari na sa akin ito nung nag-aaral pa ako sa Adamson University, naubusan ako ng pera as in sakto lang ung pera ko na natira bilang pamasahe from U.N. Avenue hanggang sa Abad santos, it cost 10 pesos, so pagbaba ko sa jeep, saktong bumabagyo kaya mahigit isang oras ako nagintay sa ilalim ng LRT na tumila yung ulan bago ako maglakad pauwi. At nangyari ulit, ngayong nagwowork na ako sa may Quezon Avenue, dinadala ko lang kasi as in saktong pamasahe para hindi na ako mapagastos sa hindi naman importanteng bagay at saka naubos na din ung budget na pera ko from April 25 to May 10, so nanghingi lang ako ng pamasahe sa nanay ko na 50 pesos, so ganito ang nangyari, pagdating ko nang office wala na palang free lunch simula May 8, so naisip ko na umuwi nalang ng lunch break pero pag umuwi ako hindi na ako makakabalik dahil sakto lang ung pamasahe ko, pinahiram ako ni Melvin nang 20pesos para makapag lunch kami sa medyo may kalayuang carinderia, which cost 25 to 35 pesos lunch, naglunch kami and natira na lang sa akin ay 13.50pesos, so ang ginawa ko, pauwi na ako nang sinimulan kong maglakad from Quezon Avenue hanggang Blumentrit Espana at saka ako sumakay ng jeep papuntang Blumentritt Avenida (Php 7.50) at pagbaba ko sumakay akong tricyle from Blumentritt to Abad Santos (Php 6.00). Saka ulit ako naglakad from Abad Santos pauwi nang bahay. Kung di kayo makapaniwala, kaya ko talagang magtiis, at totoong nangyari yun, naisip ko na isa lang ito sa mga adventures ko sa mga out-of-town na pinuntahan namin tulad ng Marinduque, Lucban at iba pa, kaibahan lang ay Urban Jungle ang tinahak ko. Sa hirap talaga ng buhay dapat matutong magtiis, di ba nga sabi na kapag maliit ang kumot matutong mamaluktot.
Naisip ko masarap maglakad, tapos habang naglalakad ka marami kang iniisip at naiisip, kung araw-arawin ko kayang maglakad, masaya pa kaya yung ganun hehehe (",)
1 comment:
Sounds familiar. Hehe.. =)
Post a Comment