Pinoy Ako - diverted cyberlife of a political life planner

Sunday, September 04, 2005

Pinoy Ako


Naaaliw ako sa Pinoy Big Brother ngayon, dalawang lingo ko na siyang sinusubaybayan at totoong teleserye ng tunay na buhay talaga ang nagaganap, sayang at hindi nakasali si Andrew, pinatawag ko kasi siya duon pero hindi niya alam na PBB reality show yun.

Maihahambing ko yung buhay ng 12 housemates sa 11 kaibigan ko, sa barkada naming halos iba-iba kami ng pag-uugali at parang nakikita ko talaga sa kanila, yung kampihan, awayan, iyakan, tsismisan, mga kakaibang usapan, loveteam, grupo-grupo…halos lahat, kailangan mag-adjust sa pag-uugali pero tulad nga sabi sa PBB Theme,”wala din mangyayari kung makikibagay” , kailangan lang talaga ng respeto sa isa’t-isa di ba.

You can also visit our barkada site at www.silversoul.cjb.net



PINOY AKO (PBB Theme Song)
Orange & Lemons

Lahat tayo mayroon pagkakaiba madalang makikita na
Ibat ibang kagustuhan ngunit iisang patutunguhan
Gabay at pagmamahal ang hanap ko
Pagbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga?

Chorus:
Pinoy ikaw pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mundo
Ibang-iba pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo pinoy ako
Pinoy tayo

Ipakita mo ang tunay at sino ka?
Mayroon masasama at maganda
Wala naman perpekto
Basta magpakatotoo oohh...oohh..
Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Pagbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga?

Talagang ganyan ang buhay
Dapat ka nang masanay
Wala rin mangyayari
Kung laging nakikibagay
Ipakilala ang iyong sarili
Ano man sa iyo mangyayari
Ang lagi mong iisipin
Kayang kayang gawin

No comments: