Jeepney Modus Operandi - diverted cyberlife of a political life planner

Friday, July 21, 2006

Jeepney Modus Operandi

Well, ingat kayo sa mga jeepney biyaheng Libis-Cubao, one time kasi galing akong Libis, 11am sumakay ako ng jeep pabalik sa Cubao LRT 2, pagsakay ko sa jeep pinauupo ako nung lalake sa bandang gitna. Akala ko may sayad lang yung dalawang lalake na kaharap ko at nagppansin sa mga pasahero. Maya maya ay bigla niya na lang hinawakan yung tuhod ko at ini-stretch nya yung paa ko at sinabi na may kukunin daw siya sa ilalim nang upuan ko, may kunikuha siyang barya sa ilalim ng inuupuan ko at akala ko ay nagma-magic sa harapan ko, habang ginagawa niya yun, naramdaman ko na yung katabi ko ay nagkukuyakoy at nararamdaman ko na yung cellphone ko sa bulsa, tumataas, kaya bigla akong pumara at sabay baba. Muntik pa akong madukutan. Buti na lang at naramdaman ko dahil simula't-simula pa lang ng pagsakay ko sa jeep, iba na nararamdaman ko dahil mukhang halos lahat ng nakasakay at pati driver ay kasabwat at modus operandi na nila ata yun.

Kaya kayo dyan...ingat kayo, maging alerto sa panahon ngayon.

Ayon kay Andrew: Dalawang bagay lang daw yung nangyari sa akin, mukha daw akong mayaman or mukha akong tanga.

No comments: