Ngayon lang nagkaroon ng kuryente sa bahay namin simula nang manalasa ang bagyong Milenyo nuong Huwebes ng hapon. At dahil dun pati ang suweldo ko ay naudlot dun dahil walang transaksyon ang mga banko nang sumunod na araw. Ang supposed to be na out of town gimik din namin ng barkada sa Majayjay Laguna sa place nila Vhanie ay di din natuloy dahil walng
contact sa mga kasama, walang signal at battery ang mga mobile networks dahil ang tinumba ng
malakas na hangin ang mga antenna ng cellular providers. Walang battery dahil walang
kuryente. Nagcharge lang nga ako sa office nung friday, hay grabe...ito na yata ang grabeh
nangyari sa taong ito. At parang ang lahat ay back to basic na pamumuhay ng typical pinoy.
On the lighter side, naprepredict na agad ng PAGASA ang padating na bagyo dahil miyerkules
ng gabi pa lang ay binalita na sa TV na walang pasok sa lahat ng antas sa buong Luzon pero
di pumasok pa din ako sa trabaho nung umaga at wala din pala kaming pasok. Ang isa ding
magandang nangyari ay kahit saglit ay nagkaisa ang Pilipino at naghanda bago at pagkatapos
ng bagyong Milenyo. Walang liwanag ang buhay dahil sa MAKUPAD na AKSYON ng MERALCO dahil Huwebes pa lang nireport na namin ang naputol na kable ng kuryente pero Lunes pa sila
umaksyon, iniisip ko kung isang team lang ba ang gumagawa sa buong Luzon o tatamad-tamad
lang talaga sila dahil wala naman magagawa ang mga sinerserbisyuhan nila, gawin man nila o
hindi. Sana sa susunod magandang serbisyo na ang ibigay nila bago pa sila magpalabas ng
magandang jingle para sa commercial nila sa telebisyon.
1 comment:
Nampucha! Kami nga hanggang ngayon, wala pang ilaw eh! Tsk.Tsk.
Post a Comment