by Julius Cris Delos Reyes
Published on Thursday, November 9, 2006
Inquirer LIBRE, Boses K Column
Page 3, Vol. 5 No. 238
Hindi ko lubos maisip kung ano ang pagkakaiba ng mapagmahal sa pamilya, responsable at pagiging mabait na anak. Pero isang maling kultura lang ang napapansin ko sa ating mga Pilipino - ang pagpatong ng mga responsibilidad sa mga anak sa isang pamilya.
Hindi sa ayaw ko nang responsibilidad o ayaw ko sa mga anak na nagpro-provide para sa kanilang magulang o pamilya. Hindi ako tutol dun kung ang anak ang maging breadwinner, o siya ang nagbibigay ng pera sa pamilya, dahil mismo ako tuwing suweldo ay nagbibigay sa aking magulang dahil nagigipit din naman kami paminsan-minsan.
Pero ang nakikita at napapansin ko sa kulturang umuusbong sa ating mga Pilipino ay ang pagpapasa sa anak nang responsibilidad, halimbawa na lamang sa mga pelikula at tv shows, "Anak, paglaki mo tulungan mo naman kami ha" sabi ng ina. "Opo Inay, paglaki ko iaahon ko kaya sa kahirapan" tugon ng anak.
Walang masama sa nakikita ko, ang pangit lang ay ipinapasok nang mga nakakatanda sa murang isip ng mga bata na paglaki nila ay kailangan o obligado na sila na ang magtrabaho para sa buong pamilya, magulang at mga kapatid (kung meron man mas nakakabata at nag-aaral pa).
Hindi ako galit o naiinis pero di ba mas maganda kung kusang ang anak ang magiging responsable sa sarili niya at hindi ipapasok sa kukote nila na paglaki mo obligado ka sa ganito at ganyan.
Sa lahat ng mga narinig kong kuwento, sa lungsod at probinsiyang napuntahan ko, laging iisang madramang kuwento ng buhay ang naririnig ko, ang pagtapusin ang panganay na anak, maghanap nang trabaho at buhayin nang anak ang magulang at mga kapatid pa nito.
Malungkot na kuwento diba?
Pero diba dapat ang magulang ang gumagawa ng paraan para sa kanilang mga anak at hindi kabaligtaran?
Diba sinilang sila sa mundo para maranasan ang sarap ng buhay, maging responsable sa sarili at sa magiging pamilya din nila balang araw?
Sa pagkakataon ito maipapagmalaki mo ang magandang kultura nang Pilipino, ang pagiging mapagmahal sa pamilya ngunit sana hindi inaabuso ang ganitong pag-uugali at ang kahalagahan nito.
3 comments:
Very impressive. Lupet... =)
whoah..i didn't know you've a writing skill! good job!
mr julius..mali yan tnu2ruan mo ang mga kbataan na maging tamad kuripot iresponsable. walang magulng n namimilit sa anak n mgbigay..kung ayaw na magbigay....why do i have this feeling na masama lng ang loob mo while making this article..kc nahingan ka ng nanay mo...ganun tlga kapatid..dont take it as MALI...nxt tym..lagayan mo nmn ng sense ung mga cnusulat mo...masyado ksing neagtive ang dating eh..sa mga mambbsa at sa personalidad mo n rin...obvious n obvious na kuripot ka..
Post a Comment