Love Bug - diverted cyberlife of a political life planner

Sunday, January 10, 2010

Love Bug

I watched for again "Herbie Fully Loaded" for nth time. Herbie - the volkswagen beetle or simply known as the "Love Bug"

Simula nang magkagusto ako sa mga sasakyan, I really wanted a Volkswagen Beetle, why? Dahil siguro sa kakaibang itsura and istilo nito. Andaming nagtatanong sa akin bakit beetle? bakit di ibang mas maganda sasakyan? bakit tumitirik? bakit bulok at luma? Isa lang ang sagot ko - Ito ang gusto ko!

Tinirik na nga ako nito, dalawang beses na - nagdrive ako sa A. Bonifacio Avenue, namamatayan ako ng makina at naubusan ng gas, nahirapan magstart at tinulak ng di ko kilalang mga tao. Pero kahit ganun, ito pa din ang gusto ko. Dahil sa unique na itsura nito, madalang kang makakakita sa daan ng dalawa o tatlong beetle na bumibiyaheng sabay sa kalsada. Kahit luma or bulok ang madalas kong marinig na sinasabi ng mga kasabayan kong motorista sa daan, at saan ka makakakita na pagdaan ng sasakyan mo ay ang lahat ng tao ay napapalingon at minsan nagpependong pa.

Talagang kakaibang experience ang magkaroon ng kotseng kuba.

No comments: