RPG Metanoia - diverted cyberlife of a political life planner

Saturday, January 01, 2011

RPG Metanoia

Bilang panimula ngayong taon at walang magawa maghapon, napagdesisyunan kong manood nang RPG Metanoia. Noong una ay nag-aalangan pa akong panoorin ito, pero pagkatapos magbasa ng ilang comments sa internet, ay napagpasyahan ko na din panoorin.

Photo Credit from Star Cinema


Maganda ang istorya, Pinoy na Pinoy at kapupulutan ng aral. Bilang unang 3D Animation Film sa Pilipinas, maganda na din ang pagkagawa kahit may konti di plantsado sa galaw at emosyon ng mga karakter. Astig pa din ang Pinoy. Tangkilin ang sariling atin!

Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa pelikula, mag log-on sa http://therpgmovie.com/

No comments: