Tatlong Manok - diverted cyberlife of a political life planner

Wednesday, January 12, 2005

Tatlong Manok

10am - nakipagkita ako sa mga groupmates ko para sa meeting namin sa presentation bukas. Nagkita kita kami sa SM Mla at dun namin napag-usapan ang lahat, 11am nagyaya silang kumain sa Jollibee dahil may pasok kami ng 12pm, umorder ako ng 1-pc Chickenjoy para sa aking lunch after namin kumain, pumasok na kami.

5:30pm - nagkita kami ni drew para isoli namin kay ranna yung Before Sunrise VCD nya, (ang ganda ni Ranna nung makita ko siya, bumagay sa kanya yung medyo wavy hair na uso ngayong 2005). After nun, nagsoli kami ng iba pang VCD sa VideoCity SM Mla Branch at umuwi na si Ranna. Nagyaya ako kumain at pumunta kaming KFC, for the second time umorder ulit ako ng 1-pc chicken sa KFC.

8:15pm - nakauwi na ako sa bahay dahil hindi naman trapik, naabutan ko na Krystala pa rin ang palabas sa TV, pagdating ko at pagkabihis ko, bumaba ako sa kusina at sinabi nila na kumain na daw ako, ang ulam ay adobong manok...tatlong manok ang nakain ko ngayong araw.

No comments: