Bagong Bayani - diverted cyberlife of a political life planner

Thursday, December 30, 2004

Bagong Bayani

Pumunta kami sa NAIA 2 ngayon upang sunduin si Tatay, isa siyang seaman, at galing siya ngayon sa California, USA, dumating siya sa airport ng 7am.

Ang dami kong napansin sa airport, ang daming dumarating at sumusundo sa kapamilya nila. Sinasalubong nila itong masaya at may ngiti talagang, as in excited kumbaga. Napansin, na halos lahat ng dumarating pauwi, galing sa trabaho sa ibang bansa, sige 8 percent lang ang galing sa bakasyon, naisip ko na ipinagmamalaki ng gobyerno ang mga OFW bilang Bagong Bayani ng bansa dahil sila ang nagbibigay ng remittances sa ating bansa. Hindi ko maalis sa isip ko kung bakit kailangan pa na umaalis ng mga Filipino sa ating bansa para magtrabaho. Napakamanhid naman kasi ng gobyerno, hindi nila magawang magkaroon ng job opportunity sa sariling bansa upang hindi na nila kailangang umalis at magtrabaho ng malayo sa pamilya. Maganda nga pala ang bagong airport, ang NAIA 2 pero napansin ko na wala man lamang monitor para makita ang flight schedule ng departure at arrivals, ang nakita ko lang ay isang whiteboard na dinikitan ng flight schedule. Saan napunta ang milyon-milyong pondo sa pagtayo ng airport?

No comments: