Natapos na naman ang isang araw ng SONA (27 July 2009) ni Gloria. Marami ang nag antay kung ano ang nilalaman ng kanyang report sa taumbayan. Marami ang nag-abang ng kanyang magiging pahayag. At tulad ng inaasahan, marami ang nadismaya at kuntento lang.
Nagtataka lang ako sa mga pulitikong nagpapahayag na "di sila dadalo" at "ayaw nilang pakinggan ang sasabihin ng Pangulo" at "boboykotin nila ang SONA" pero pagkatapos na pagkatapos ng naturang okasyon, ay biglang magsusulputan sa inyong mga telebisyon, maririnig sa mga radyo ang mga pulitkong kunwaring di interesado makinig at sabay magbibigay ng komento. Nakakatawa di ba? At halos lahat ng ito ay mga pulitikong naghahangad ng pinakamataas na posisyon sa susunod na taon. Ito ba ang mga taong gusto nating mamuno sa susunod na taon? Kung sa ngayon pa lang ay nagpapakita na nang pang babalat-kayo.
Hindi ako maka-GMA, pero ang nais ko lamang tulad ng lahat ng Pilipino at mga sinungaling na pulitiko na maayos at maunlad na bansa. Pero paano maisasakatuparan ang mga ito kung ang naghahangad na maging lider ay may personal na interes, may kanya-kanyang iskandalo at kontrobersya. Paano tayo makakasiguro na ang susunod sa linyang ito ay di na katulad ni Gloria na sinasabi nilang kurakot.
Pano tayo makakasiguro na si Mar, Villar, Chiz at iba pang gustong maging presidente ay maiiahon ang bansa natin sa kahirapan, mababawasan ang nagugutom, mapapatupad ang mga batas na walang kinikilingan, magkakaroong ng trabaho ang bawat Pilipino,magkakaroon ng sapat na edukasyon ang bawat kabataan at marami pang iba. Pano tayo makakasiguro sa mga paulit-ulit na pangako nang bawat pulitiko.
Sabi nga nila, kung nais natin ng pagbabago, simulan natin sa sarili ito. At sana ganito din ang pananaw ng bawat pulitikong gustong pumalit kay Gloria sa susunod na taon, sana yung pulitikong di puro salita pero maraming nagagawa. Sana totoo din yung sinabi ni Manny Villar sa Wowowee - kung gusto nyo talagang tumulong, NGAYON na, hindi pag nasa pagka-Presidente na kayo saka kayo kikilos.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment