Albina Casupanan Delos Reyes (December 17, 1926 - Sept 15, 2018) |
Paano nga ba maging Lola's Boy?. (Hindi ko kinahihiyang tawagin ganun kung yun man). Hindi ko iclaclaim na ako ang paborito, ako lang siguro ang mas lagi niyang kasama bilang apo.
Kay Lola ako natutong uminom ng kape at kumain ng kaning may sabaw ng kape.
Kay Lola ako natutong magbiyahe dahil kung saan saan lugar nya ako sinasama tuwing may katransakyon sya sa pagiging ahente.
Naalala ko pa yung Jollibee Chickenjoy na P25 palang noon, binili nya dahil sumama ako sa lakad nya.
Naaalala ko pa yung iisa nyang kulay itim na damit tuwing umaakyat kami ng stage at tatanggapin ko ang Most Behaved Award noong elementary, apat na taon, apat na beses.
Tuwing iniinterview ko sya tungkol sa kanyang buhay at game nya naman itong kinukuwento. Kung ibang tao siguro nabobored makinig sa matatanda, hindi naman ako, kasi ineexpand ko yung mga tanong ko sa kanya at natural naman siyang sumasagot. At mamimiss ko yun.
Naalala ko nung kuwentuhan namin nung elementary pa ako, tinanong nya ako kung anong gusto ko maging, ang sagot ko "Congressman", dahil araw yun nang botohan, at yung lagi ko nakikita sa telebisyon at dyaryo. Sabi ko sa kanya, gusto mo bang magkaroon nang apong Congressman? Natatawa at natutuwa lang siya habang nagtataytay nang basahan.
Tuwing naghihintay sya gabi-gabi pag late na ako umuuwi noon kahit 20+ na ako. At madami pang iba... (masyado nang mahaba dahil 30+ years ko sya kasama)
Sabi nga sa kanta ni Ed Sheeran (na sinulat nya din para sa Lola nya)
"You were an angel in the shape of my mum"
Si Lola ay hindi lang Lola, isa din siyang nanay.
Kaya masaya ako na si Julian at Joaquin, kilala nila si Nanay at Mamang. Dahil alam ko at naramdaman ko kung paano magmahal ang isang lola.
Gustuhin man natin na umabot si Lola ng 100 years old, dahil world record yun, madalang nalang yun sa panahon ngayon. Sigurado ako na na-enjoy ni Lola ang 91 years nya, malungkot lang na biglaan siyang nawala sa atin.
Nag-text pa ako kay Toper na tawagan si Lola dahil may bagyong paparating sa Cagayan, naroon siya dahil dun siya sinama ng Tita ko simula nung nawala si Tatay noong 2015, nakausap naman nila si Lola at sabi uuwi na siya sa Tondo pagkatapos nang bagyo, ayon sa kuwento sa akin ni Nanay, kaya napanatag naman ako. Hindi ko maisip na yung paguwi na sinasabi nya yun na pala yun. Namatay si Lola (sa atake sa puso) dahil daw sa takot sa lakas nang bagyong Ompong.
Kaya kayo Toper, JB, Bino, Chelsea, Matt, Leann, Jhayzelle, at iba pa, mahalin nyo ang lola nyo (kahit nanay ang tawag nyo). Minsan lang magka-lola, at tulad ng magulang, di yun mapapalitan ng kung sino. Hindi nyo kailangan maging showy, kailangan nyo lang maging mabait, masunurin at hindi maging pasaway, ayun sapat na yun sa kanila.
Dahil kung mahal nyo ang Lola nyo, siguradong mahal nyo din ang magulang nyo. Hindi puwede mamili, hindi puwede may mas mahal o paborito. Basta mahal natin dapat ang ating Kapamilya.
Mamimiss kita at ngayon ko lang ata masasabi ito, mahal na mahal kita Lola Binay.
"So I'll sing Hallelujah
You were an angel in the shape of my mum
When I fell down you'd be there holding me up
Spread your wings as you go
And when God takes you back we'll say Hallelujah
You're home"
-Supermarket Flowers by Ed Sheeran
No comments:
Post a Comment