SILVERSOUL - diverted cyberlife of a political life planner

Saturday, November 13, 2004

SILVERSOUL


At Lost Paradise Lucban Quezon, Sep 8, 2002

"True FRIENDS are ALWAYS and FOREVER..."

Nov. 12, 2004 - isang unexpected treat ang inaalok ni anette sa barkada para magkita kita kaming lahat ulit... videoke and inuman sa AYALA Billiards and KTV... unang dumating si santy at anette pero dumiretso agad sila sa AYALA and then ako naghihintay sa ODYSSEY then wala ako ni isa man na nakita sa kanila pero ang JOLOGs dahil ilang talampakan lang nakatayo si shiela malapit sa aking kinatatayuan pero hindi ko sya nakita... Lumabas ako sa ODYSSEY at pumunta sa 630 Computer Shop upang i-access ang chikka at magtext dahil wala nga akong dalang celfone... sa kabilang dako habang nagpapareserved sila anette at santy sa AYALA for a KTV Room agad silang pumunta sa computer shop pero hindi pa nila narereceive ang text ko nun... sabi lang ni anette navibrate nya na dun ako sa computer shop...hehehehe...nag logout na ako sa computer shop at tinanong kung sino sino na ang dumating... confirmed pa lang na kaming tatlo pa lang... Hiniram ko ang phone ni anette at nagload ako and then tinawagan ko si Shiela, Anne at Andrew. Si Shiela kanina pa daw siya sa Odyssey, agad naman namin siyang pinuntahan. Si Drew (alam ko na male-late siya. Si Anne naman nanonood pa daw siya ng school play kaya magtetext na lang siya kung susunod siya. Pumunta na kami sa Ayala at dun nalang hinintay ang iba. Naisip ko na parang ang konti namin at ang lungkot... Biglang tumunog ang cel ni anette at text pala ni Muriel iyon. Agad ko siyang tinawagan para pasunurin siya sa Ayala.


7:30pm - Nang magsimula na kaming makumpleto, Ako, si anette, drew, shiela, santy, muriel, marvin (anette bf) and ron (marvin's friend). Nagtext si anne at problemada ang lola mo dahil nahuli ng bf niya na two-timer siya dahil sa text message (pahamak na text). Kaya hindi na daw siya makakasunod. Naintindihan naman namin ang walang kadaladalang babae. Nagsimula nang bumirit sa Videoke room at mag-inuman at magkuwentuhan at ibalik ang nakaraan. Masaya, naisip ko tuloy nung kumpletong-kumpleto pa ang barkada. Pero kahit wala sila anne, ian, donna, spike, beshe and vhanie. Masaya parin naman kahit paano pero sana magkasama sama ulit kami. Hanggang matapos ang kasiyahan, nag-sleep over si santy, drew, muriel and shiela sa aming bahay. Si Anette, hinatid ng boyfriend nyang si Marvin. Hanggang sa bahay, nang kumain kami at hanggang sa pagtulog, naibalik ang nakaraan at halatang miss na miss ang bawat isa. Ang masasabi ko MASAYA! MASAYA! MASAYA!.

Nov. 13, 2004 - After magsleep-over sa bahay, another plan na naman ng panibagong gimik...

Sila ang barkada ko, nakakamiss nga silang lahat, simula nang magsama sama kaming lahat, masaya na talaga, kasi dito walang kang tinatago, masasabi mo ang gusto mo, totoong tao ka. At nagkakaintindihan lahat kayo. Marami nang nagbago at nangyari, mga nangyaring mababaw, minsan naman mahirap paniwalaan pero ayun talaga. Siguro, dahil sa madaming pagbabagong nangyayari sa buhay naming lahat, mahirap or minsan na lang din kaming makumpleto or isang beses na lang sa isang taon kaming magkakasamang lahat lahat. Pero kulang man o kumpleto, lahat sila namimiss ko... si Anette, Anne, Beshe, Donna, Drew, Ian, Muriel, Santy, Shiela, Spike at Vhanie.

Visit our BARKADA site at www.silversoul.cjb.net


during Pahiyas Festival, May 15, 2004

No comments: