"DISKRIMINASYON" ito ang salitang binitiwan nang aking kaklase na si Marlon, matapos silang pumunta sa isang seminar tungkol sa Philippine Foreign Policy sa Ateneo De Manila University. Ayon sa kanyang kuwento, pagpasok pa lamang daw sa Ateneo, mararamdaman mo na ang diskriminasyon bukod sa mapanghusga nilang paningin, mapapansin mo daw sa registration form na kung saan i-check check mo kung ikaw ay "ATENEAN" at "NON-ATENEAN"... na kung saan puwede mo naman nilang ilagay sa registration form nila na "ATENEAN" or "STUDENT FROM OTHER UNIVERSITY/SCHOOL" diba? Pipirma ka lang sa registration form, mararamdaman mo na yung diskriminasyon. PAno pa kaya kung makasalamuha mo sila?
Sunod na pangyayari nung may isang Atenean daw na nagtanong sa Guest Speaker ng naturang seminar and napahiya daw ung Atenean student dahil sinabihan daw siya ng Speaker na bakit ingles ka ng ingles, gayun puwede naman na magtagalog at hindi naman kailangan magsalita ng ingles, gayun hindi ka naman lahat ng nasa loob ng room ay maiintindihan ka... kumbaga nais iparating na mensahe ng Speaker, na i-ayon ng estudyante yung mga tao kausap o kasalamuha niya, for example pumunta siya sa squatter area na hindi naman kailangan kausapin yung mga tao dun ng salitang Ingles...db? KAYABANGAN ang tawag dun...
Hay naku, actually, ang nais iparating ni Marlon sa kuwento, kahit Adamsonian kami, walang kailangan ipagyabang yung mga taong nakasalamuha niya sa Ateneo or mga Atenista, dahil tao lang din sila, at kung kailangan nilang magsalita, kailangan muna nilang pag-isipan o bagayan kung Ingles o Tagalog ang dapat nilang gamitin base na sa kausap nila... Ingles nga ng Ingles hindi naman lahat magaling, ang yabang! Put@ng-I#@ yan! Anyway, sa tingin ko wala silang dapat ipagmayabang dahil pare-parehong lupa lang ang tinatapakan natin, it means na walang nakakataas at pare-parehong bigas ang kinakain natin.
Tulad nga nang kasabihang "Ang hindi marunong gumamit ng sariling wika ay daig pa ang mabaho at malansang isda". Kung idadahilan nmo sa akin na kailangan ang wikang Ingles sa pakikipagkalakalan sa buong mundo, itatanong ko sa iyo, bakit ang bansang Japan na nasa rurok ng tagumpay ngayon ay hindi ginagamit ang wikang Ingles sa halip buong pagmamalaki nilang binibigkas ang wikang Hapon o Nihonggo, at ang mga dayuhang mangangalakal pa ang napipilitang mag-aral ng wikang Hapon para sa kanila. Pero sa bansa Pilipinas na halos lahat ng Filipino ay ginaya na ang Western Culture, hindi ko masasabi na madaling makamit natin ito. Kung ikaw mismo ay kinahihiya ang lahing pinanggalingan mo...
P.S.
Hindi ko ito sinulat upang awayin ang Atenean at wala din akong personal na galit sa kanila, sinulat ko lang ito base sa aking opinyon.
No comments:
Post a Comment