Soulmate - diverted cyberlife of a political life planner

Wednesday, December 15, 2004

Soulmate

Last day ng school namin ngayon at Christmas Break na namin. Bago ko pumasok dahil may prelim test pa kami ngayon nakausap ko pa sa phone si Sheina(my gf) and sinabi ko na baka gabihin ako or bukas na ako makauwi pero kabaligtaran ang pangyayari dahil ang aga ko nakauwi.

Hindi din natuloy ang prelim test namin sa Parliamentary Procedure next year na lang daw sabi ng prof namin at sa halip pina-attend nya na lang kami sa Thanksgiving mass para kay Angelito Nayan sa may ST Chapel bilang attendance namin sa subject. Pagpunta namin sa ST Chapel, nakita namin sa may malapit sa altar ang picture taking na nagaganap, si Angelito Nayan at ang ibang prof at pari na nagpipicture taking. Si Angelito Nayan ay valedictorian at isang adamsonian nung high-school siya kaya may thanksgiving mass sa kanya... (naalala kaya nila si tarongoy habang nagpipicture taking sila at super ngiti pa)

Anyway, dahil sa napostponed na xmas party namin sa COMP-SEA subject namin kay sir perez, kanya-kanyang xmas party na ang naganap, ang ginawa namin ay nag-videoke kami pero kumain muna kami. After that, around 9pm or 9 past na, nagsimula nang mag-uwian, habang naghihintay ako ng fx sa may manila city hall, may nakita akong babae, talagang napalingon ako sa kanya at nagandahan at nagustuhan ko siya. Kaya naman tumayo ako malapit sa kanya habang nag-iintay at pasimple ko siyang tinitingnan. May dumating na fx at lumapit ako dun para sumakay, nakasakay na ako nang bigla kung nakita sa may salamin palabas na yung babaeng nakita ko ay papunta din sa fx na sinakyan ko at saka sumakay, katabi ko siya sa gitnang bahagi ng fx. Patingin tingin pa din ako sa kanya, naisip ko na makikita ko ulit siya balang araw. Tulad ng nafeel ni lea salonga nang unang makita nya yung asawa niya, sinabi niya sa sarili niya na ito na yung soulmate ko at nagkatotoo nga! Parang ganun ang nafeel ko. Pero naisip ko parin si Sheina, kung nagkakagusto parin ako hanggang ngayon sa ibang tao pano na si Sheina. Mahal ko din naman siya...

No comments: