HAPPY VALENTINE's DAY to all...
...few days before February 14, yung mga nakakausap ko about kung may mga plan sila sa Valentine's Day, si Drew at iba pa na sumagot na "...hindi ako makikipagsabayan sa Feb 14 noh, date yun nang mga katulong"...naisip ko nakakainis yung mga taong ganun, hindi naman ako katulong pero bakit kailangan nilang idikit sa pagkabaduy or pangkatulong yung mga okasyon tulad ng Valentine's Day. At parang sobra naman silang manghusga dahil ba katulong sila at hindi ka puwedeng sumabay ng pagdiriwang sa kanila. Nakakainis yung ganun.
Sabi ni Jessica Soho sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" , ang Araw ng mga Puso ay pakulo lamang daw ng mga negosyante pero nakakatuwang isipin na sa dami ng problemang kinahaharap ng mundo may isang araw upang magdiwang ng ganito.
Ayon din sa report sa TVP World, madalas din daw inuugnay ang pag-ibig, pagmamahalan, o emosyon ng mga tao sa PUSO, madalas din sinasabi na PUSO ang ginagamit imbes na UTAK sa usapang pag-ibig, pero alam nyo ba na sa siyentipikong paliwanag ang UTAK partikular ang "LIMBIC SYSTEM" ang nagsasabi kung mahal mo ang isang tao o nagdedecide tungkol dito o ang bawat emosyon ng tao. Nauugnay lang ang PUSO sa pag-ibig dahil sa ito ang pinanggagalingan ng buhay sa tao.
No comments:
Post a Comment