VIVA MAPUA! - diverted cyberlife of a political life planner

Monday, February 28, 2005

VIVA MAPUA!

"...we will strive for the fame and glory of the M and the I and the T"
Napanood ko sa MUB Channel 2 at TVP World about sa 2 weeks nang pagproprotesta ng Mapua Students laban sa pagpapalit ng pangalan ng MAPUA to MALAYAN UNIVERSITY.
Kahit alam ko na 2 weeks na silang nagproprotesta dahil yung mga kaibigan ko ay taga MAPUA at saka yung pinsan ko. At dahil dun din ako galing nung highschool hanggang 1st year college...still concerned pa rin ako sa pangyayari. Dahil kilalang-kilala yung MAPUA sa buong bansa at some parts of the world tapos papalitan lang ng mga Yuchengco. Mukhang gusto yatang palitan ng ulo ni Yuchengco ang estatwang ulo ni Don Tomas Mapua sa may quadrangle. Pag ganun na ang nagyari, ewan ko na lang...
At ngayong Wednesday ay magkakaroon sila nang malaking protesta laban sa Yuchengco, kasama daw sa protesta ang mga MAPUA Alumni at mga magulang ng mga estudyante.

No comments: