by Julius Cris Delos Reyes
Published on Wednesday, May 25, 2007
Inquirer LIBRE, Boses K Column
Page 4, Vol. 6 No. 167
Isa na namang SONA or State of the Nation Address ni President GMA ang narinig natin kahapon, Lunes ng hapon. At kagaya ng dati nyang SONA o dating SONA nang ibang pangulo, patuloy pa din ang pagkumpara, pagsuporta at pagbatikos sa kassalukuyang administrasyon.
Habang buong boses na umalingawngaw sa Batasang Pambansa ang boses nang Pangulo na pinagmamalaki niya ang gumagandang ekonomiya at ang mga balak nya pa sa mga susunod pang taon. Nariyan naman ang mga pulitiko na kontra sa kanya at patuloy siyang binabatikos. Ang taumbayan na malakas magreklamo sa hirap ng buhay ngunit nakatambay lang naman sa kani-kanilang bahay.
Bakit hindi mismo sa ating sarili simulan ang pagbabago, bakit lagi nalang natin naririnig na puro reklamo ang taumbayan, bakit lagi nalang iasa sa gobyerno ang magandang buhay na nais natin mga Pilipino? Bakit puro batikos ang naririnig natin sa mga pulitiko? Bakit hindi nalang magbigay nang sariling suhestiyon kung may pagkukulang ang Pangulo at pagtulungan nila ito? Kung sa tingin nilang mali ang Pangulo o ang iba nilang kasama sa pamumuno, bakit di nila pagusapan at baguhin ang mga pagkakamaling ito?
Kung nanaisin natin ang pagbabago, sana hindi taon-taon na ganito? Sana sa atin mismo magsimula ito.
Wednesday, July 25, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment