Anim na taon na nakalipas nang sa makaysaysayang EDSA DOS upang patalsikin ang dating Pangulo Joseph Estrada, ngayon tinuldukan na ng SandiganBayan ang kaso ni Erap at ito ay GUILTY!
Maraming naawa sa kanya ngayon, mga taong paiyak-iyak pa noong Impeachment Trial, at ngayon ay kaalyado na ni Erap, ngayon binigay ng hukom ang sentensya, saka sila naawa kay Erap, sa mundo talaga ng politika, madaming balimbing na tao, hindi mo kilala kung sino ang totoo at di-totoo!
totoo man nagkasala o hindi si Erap, magsilbi nga kayang talagang banta sa ibang opisyal na kurakot ang makasaysayang araw na ito sa ating bansa? Ngayong marami na naman issue sa bansa tulad ng ZTE Broadband deal? Ang pagkuwestiyon sa Administrayong Arroyo at iba pa.
Ano na kaya mangyayari sa bansang ito? Uunlad na kaya tayo? o babalik pa din ang Pilipino sa kulturang nakagisnan na nating lahat, "FORGIVE and FORGET".
Sa totoo lang nakakaawa talaga ang naging hatol sa dating Pangulo pero hindi natin alam lahat kung ano talaga ang nangyari? Iisa lang ang nagsasabi ng totoo, si ERAP or CHAVIT? Kaya sila lang din dalawa nakakaalam kung FAIR nga ba ang naging trial.
No comments:
Post a Comment