Janina San Miguel at Call Center Agent - diverted cyberlife of a political life planner

Monday, March 10, 2008

Janina San Miguel at Call Center Agent

Usap-usapan na ngayon sa buong Pilipinas ang pagno-nose bleed ni Janina San Miguel, ang nanalong contenstant ng Binibining Pilipinas ngayong taon.



At kung di nyo pa alam, ito ang transcript ng nose bleed Q & A nya.

Janina San Miguel's answer:

"Well, my family’s role for me is so important becoz there was the wa- they’re, they was the one who’s …. very… Haha .… Oh I’m so sorry, uhmm …. My pamily .… My pamily .… Oh my god …. Ok, I’m so sorry .… I .… I told you that I’m so confident .… Eto, uhhmm, Wait .… Hahahahaha, uhmmm, Sorry guys becoz this was really my first pageant ever becoz I’m only 17 years old and ahahaha I, I did not expect that I came from, I came from one of the tough 10. Hmmm, so .… but I said that my family es the most important persons in my life. Thank you..."

So confident enough, hehehe, di ko alam kung bakit ayaw nilang mag Tagalog or Bisaya, Pilipino naman tayo at ayun ang native language natin.

Bawal ba mag Tagalog sa beauty pageant? Hindi maalis na kilalang-kilala ang Pilipinas na English speaking country sa Asia dahil sa matagal na pananakop ng Amerika noon at paghanga natin sa U.S. ngayon at pagiging malapit na pagkakaibigan natin sa bansang ito.

Minsan nga may masasalubong ka sa kahabaan ng Ayala na "uber" mag english kahit di angkop sa lugar, at madalas na ang mga yan ay isang Call Center Agent (CCA), pasensya na sa mga CCA or Customer Service Representative (CSR), pero minsan sobra sa O.A. ang drama nila.

Scene - Si Manong nagtitinda ng Kwek-kwek

CCA/CSR: Hi manong how much is this? (note: with american accent magsalita)

Manong: dos isa.

CCA/CSR: Okay I'll buy five.

Manong: English spokening... (habang namamangha)


Sa mga ganyan eksena, namamangha si Manong sa bumibili ng kwek-kwek sa kanya pero Pinay lang ang kausap nya. At ang iisipin naman ng mga katabi nyang bumibili "ANG ARTE!".

Ang point ko siguro ay hindi naman masama or kabawasan ng pagka Pilipino ang magsalita ng Ingles (English) dahil kung ginagamit naman natin ito sa tamang lugar, panahon, kausap at sitwasyon.

Pero hindi natin dapat malimutan na kung kaya't isa pa din tayo sa matatawag na 3rd World country sa dahilan na hindi natin kayang ipagmalaki ang paggamit ng sariling wikang Tagalog o Filipino para sa globalisasyon.

Sabi nga ni Rizal...

"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa ang mabaho at malansang isda."

At ang version siguro niyan ngayon...

"Ang di kayang mag english ay madalas nagno-nosebleed. Hehehe"

Opinyon lang. :-)

No comments: