Photography: Jerome Ascaño / Real Living PH |
Kudos to Isko Moreno administration na nagkatotoo ang Basecommunity.
Hindi ko gusto si Isko, hindi ko din siya ayaw, pinapalakpakan ko ang administrasyon niya, hindi lang siya, kundi ang mga tao nya dahil naging possible ang proyekto tulad nito.
Masaya ako dahil noong tumakbo ako sa pagka-Konsehal noong 2016, isa ito sa listahan nang gusto kong gawin sa Maynila, yung ibang plataporma ko dito naka-link. Hindi man ako nanalo noon at di ko nagawa, atleast nagawa at nagkatotoo sa iba, kaya masaya pa din ako.
Ako ay bata at laking Tondo, proud, pero nung bata ako, madalas pag binabanggit na sa Tondo ka nakatira, ang sasabihin sayo, marumi, bastos at iskwater (squatter). Hindi man kami totally iskwater, pero ang bahay at lupa nang lola ko ay nakatayo malapit sa riles, mga isandaang metro ang layo, dadaan ka sa eskinita, kaya madalas tawagin ang lugar na iskwater. Kaya pinagarap ko ang ganitong proyekto nung tumakbo ako noong 2016 dahil alam naman natin madaming informal settlers sa Maynila. Mga taong pumunta sa Maynila galing sa ibang probinsya para makipagsapalaran sa magandang buhay.
Kung ang mga ganitong proyekto o ideya ay magagawa din sa ibang lugar o probinsya nang mga makabagong public servant, tingin ko di na kailangan magdagsaan papuntang Maynila.
Sabi nila ang mga politiko, paulit-ulit lang, trapo, sinungaling, pero ang maipagmamalaki ko kahit di ako nanalo noon, ang lahat nang nasa plataporma ko na nilatag ko sa taga Distrito 2 nang Maynila ay possible, hindi tulad nang 3 to 6 months lang. 😁
No comments:
Post a Comment