"may uwi si nanay sa bahay... sinabit niya sa pader ng bahay..."
Ika-1 ng Oktubre taong kasalukuyan, actually nagovernight kaming Buddhist researchers sa mansion nila mhon (kagrupo din namin). Nagovernight kami para pag-usapan kung ano ang isasagot namin sa defense nang aming study about the Buddhist Community in the Philippines.
Kinabukasan, ika-2 ng Oktubre taong kasalukuyan, destinasyon sa Paco Park, 8am ang sinabing oras na magsisimula ang defense pero late kami, ang nakakatuwa kahit late kami, dumating kami ng 8:30 pero wala parin si sir at panelists... hay salamat, pero nandun na ang iba pang grupo. Kaya ang ginawa namin ay nag-ikot muna sandali sa park at nag-aral about our study. Pang-apat kami sa defense pero hindi naman kami kinakabahan kasi handa kami sa study namin (yabang noh!!!) hehehe :-). Nung tawagin na kami, nagsimula na ang discussion, nagdiscuss kami ng overview about the study then simula na nang tanungan, natuwa yung mga panelist kasi andami daw nilang natutunan at nadiscover about sa study namin tungkol sa Buddhism, well proud din kami... click this link for photos
After that, naglunch kami ng Kenny Rogers pero take-out dahil sabay sabay kami kumain sa may Paco Park kasama ang iba pang grupo. Natapos din nang 12:30pm yung defense then diretso sa Robinson's Place Manila, gimik naman, kumanta kami sa videoke room and then watched Feng Shui, ang ganda nang movie kasi nakasira yung thrill dahil sa mga OA na nanood sa sinehan, yung tipong inulit-ulit na nila yung movie then maririnig mo kinukuwento na nila or yung mga OA sa mga reaction then tatawa knowing na suspense yun at may ibang nanonood...pero nag-enjoy naman ako, ang ganda ng movie and then magaling si Kris Aquino na umarte, super, two thumbs up!!! Masasabi ko, ka-level nung movie yung sikat na Japanese Movie na "The Ring" at Korean movie "The Grudge" na parehong ginawan ng Hollywood version dahil sumikat. Ngayong sikat at maganda din yung Feng Shui at pinapalabas na din all over the world, gawan din kaya nila nang Hollywood version... well watch na lang kayo at hindi kayo magsisisi... Tangkilikin nyo ang gawang Pilipino!!!
No comments:
Post a Comment