Pelikula at iba pa - diverted cyberlife of a political life planner

Tuesday, October 05, 2004

Pelikula at iba pa

Napanood ko kahapon ng gabi yung The Correspondents at humanga ako kay Joey Cruz Manalang, isang production assistant sa Japan sa "The Last Samurai" na pinagbidahan ni Tom Cruise, noon isa lamang siyang photojournalist sa mga tabloid dito sa Pilipinas, pumunta siya sa Japan and then dun siya nagpursue dahil sa hilig niya sa pelikula. Nainspired ako sa kanya dahil sa determinasyon niya na makuha at pumasok sa mundo na gustong-gusto niya. Tulad ko, mahilig din ako sa mga pelikula, nangarap din ako na mag-direk ng mga pelikula, kung hindi ako political science ngayon at kung nakapag-exam ako sa UP noon na hindi ko na nahabol dahil sa kasamaang palad nawalan pa kami ng pera para pambayad sa exam fee, siguro kinuha ko na noon pa is Filmmaking. Pero lahat siguro nang pangyayari sa buhay ay may dahilan. At tulad ni Joey Cruz Manalang, na production assistant din sa "The Grudge", kung gugustuhin mong maabot lahat ng pangarap mo, dapat pagsikapan mo at nasasaiyo kung paano mo maabut iyon. Tulad nya na kumikita ngayon ng 300,000 pesos a month sa hollywood production bilang production assistant at 150,000 pesos a month naman kung japanese production, na imposibleng suwelduhin dito sa Pilipinas. Suwerte nya at Matiyaga! Ang Japan talaga, hindi ko maisip kung paano hahabulin nang Pilipinas ang rurok ng tagumpay at kasaganaan nang bansang Japan, napanood ko pa dun sa video nung sumakay si Abner Mercado sa bullet train sa Japan, ang nakalagay sa train is AMBITIOUS JAPAN, sabi tuloy niya, sana masabi din ng mga Filipino ito...AMBITIOUS PHILIPPINES...kailan kaya aasenseo ang Pilipinas?

...Nagkaroon kami ng play sa Diplomatic Consular subject namin kanina bilang finals namin sa naturang subject. Grabe ang saya kasi halos ilang araw din kaming nagpraktis and super hectic ng schedule dahil sabay-sabay na finals na nangyari pero nairaos naman halos lahat. Masaya naman ang nagyari sa presentation kahit super late na yung prof namin na sinabihan na nga na 4pm ang simula pero dumating parin siya ng 6pm.


*this is me and raissa after our presentation*

No comments: