Kung hindi nyo napanood yung The Correspondents, sa pamamagitan nito, ishashare ko yung tungkol sa napanood ko na hatid ni Correspondents Karen Davilla at Abner P. Mercado mula sa The Netherlands.
Kakaiba ang bansang ito, kung sa Pilipinas pinagbabawal ang marijuana at prostitution, dito ay legal ito.
Kilala ang The Netherlands sa mga keso, gatas, kahoy na sapatos at mga windmills. Kilala din ito bilang Holand ngunit isang maliit na lugar lamang ito sa The Netherlands.
Dito nakilala nila si Henk, isang Dutch ngunit pinoy sa puso. Hinubad niya na ang pagiging Dutch niya at yumakap sa kulturang Pinoy.
Bago pa sumikat sa Jasmine Trias, kilala na si Nhelly Dela Rosa sa Europa bilang Pinay Diva, siya ang 1992 Sound Mix Champion, isang talent search sa Europe at ang mga viewers ang judge sa pamamagitan ng kanilang tawag at boto. Nang manalo siya, tinagurian siyang The Chameleon Diva dahil sa pagpapalit niya ng costume sa mismong stage at pag-iiba-iabng boses.
Masagana ang buhay ni Cita Schols bilang nurse sa The Netherlands, ngunit mas sasagana pa ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga kapuspalad sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarship sa mga batang gustong makapagtapos at hindi kayang tustusan ng kanilang mga magulang sa St James Academy sa Nueva Viscaya.
Ayon kay Henk, bakit kailangan natin gumaya sa mga American gayong napaka-iba at creative naman tayong mga Filipino kesa sa kanila.
Siguro mas marami tayong matutunan kay Henk kesa makinig sa mga politiko sa ating bansa. Buti pa si Cita Schols, bukal ang loob na tumulong sa kababayan niya kesa sa mga politiko na halos pansarili lang nila ang kanilang iniisip.
No comments:
Post a Comment