Seminar - diverted cyberlife of a political life planner

Saturday, March 12, 2005

Seminar

Nung nagdecide akong humiwalay sa barkada ko ang SILVERSOUL, hinanda ko na ang malaking pagbabago sa parte ng buhay ko.

Ngayon, iba't ibang tao ang nakikilala at nakakasalamuha ko, tulad na lang kahapon nung nag shoot kami ng segment ng Dtour, nakilala ko si Denise (segment producer ng Dtour). Hindi tulad nun na pag may pinupuntahan ako, nagpapasama ako kay Drew or isa sa mga kabarkada namin. Hindi na ako nahihiya tulad ng dati dahil ano naman ang paki nila sa akin di ba...
Now, mas lalo akong nagiging independent at mas marami akong nakikilala.

Today, nagseminar naman ako sa Informatics about PC Troubleshooting, nakilala ko naman si Ronald, 26 years old, Computer Technician and abroad worker, pero ngayon andito siya sa bansa at nakilala ko nga sa seminar. At si Carmi na course consultant sa Informatics, nakilala ko din, dati kasi nakakausap ko lang siya sa phone.

Mahirap talagang baguhin yung nakasanayan mo na pero kung iisipin mo na malaking mundo ang ginagalawan mo at hindi mo kailangan i-stick yung sarili mo sa bagay na puro yun nalang, ang boring nung ganun di ba? Dapat matuto kang makisama o makisalamuha sa mundo.

No comments: