Remember The Titans - diverted cyberlife of a political life planner

Wednesday, April 13, 2005

Remember The Titans

Napanood nyo na ba yung Remember The Titans starring Denzel Washington...highly recommended ko sa inyo yung movie, all about the black and white and discrimination issue. Panooorin nyo dahil sobrang ganda!

Speaking of the Remember The Titans, medyo nakarelate ako dyan, may classmate kasi ako ngayong summer sa World Literature na Black skin, I think African yata siya, yung class ko namin starts 12-2pm, dumating ako nang saktong 12pm at medyo may marami nang tao sa room. Nakasarado yun pinot dahil aircon ang room at may glass window sa pinto, napansin ko sa labas yung classmate namin na African, hindi siya pumapasok hanggang walang professor dahil siguro baka pag-usapan lang siya sa loob. Hindi nga ako nagkamali dahil may magkakabarkadang Engineering Students sa likuran ko ang nag-uusap usap at pagdating nang isa nilang kasama galing sa labas na nakita niya yung African student sa pinto, ang banat niya sa mga barkada niya sa loob, "Hey Mama, hanap ka ng egoy sa labas..." sabi sa isa nilang barkada. Dito ko narelate yung pelikulang Remember The Titans, gusto ko nga silang kausapin at irecommend sa kanila yung movie pero baka mabugbog pa ako...

"I don't care whether you're black, white, green, yellow or whatever colors you are...I don't care whether you like or didn't like each other...what we need here is RESPECT..." -Denzel Washington, Remember The Titans

No comments: