Buhay Banal - diverted cyberlife of a political life planner

Thursday, April 07, 2005

Buhay Banal

Nalulungkot ako sa pagpanaw ni Pope John Paul II, isa ako sa mga milyon-milyong kabataan na pumunta sa World Youth Day 1995, natatandaan ko pa na grade 5 ako nun at lagi namin kinakanta yung "Tell The World of His Love", theme song ng nasabing event.

Kung hindi mo ako kilala, ito ikukuwento ko... nung bata pa ako tipong grade 1, pinangarap ko maging isang pari o alagad ng simbahan, lagi kami nagsisimba, isa rin akong miyembro nang church choir. Kabisado ko na din yung mga sinasabi sa misa. Ang nakakatuwa dito ay pinipigilan ko yung sarili kong magka-crush dahil gusto ko ngang magin pari. Pero nung tumagal, ayon sa mga naririnig ko tungkol sa buhay seminarista, naisip ko na baka hindi ko makaya yung humiwalay sa bahay namin nang matagal. Kaya hindi ko na binalak pa na mag-pari.

Akala ng ibang tao, Born Again Christian ako pero hindi totoo yun, oo may nakasama akong mga Born Again pero hindi ko sila nagustuhan, kasi maganda nga silang magsalita pero hindi ko makita sa kanila na isinasabuhay nila. Hindi ko naman nilalahat sila pero ayun lang yung napansin ko. Kaya mas masaya pa rin ako na maging Catholic, dahil ito yung kinagisnan ko nang relihiyon.

No comments: