Shiela Marie and I watched this day the movie Can This Be LOVE. You know naman, HeroSan Fan ako and like Sandara very much.
Ang ganda nang istorya, at hindi lang siya basta romance comedy movie kasi kung i-aanlyze mo yung movie may pamulat na isyu para sa mga Filipino audience, karamihan kasi nang mga Filipino gusto nilang umalis sa sarili nilang bansa para magtrabaho sa ibang bansa. Sabi nga ni Sandara "...kung lahat kayo gusto niyong umalis, sino pang matitira dito". At mapapansin mo dun sa isang scene sa Club Manila East kung saan may Birthday Reunion sila at nag-uusap ang buong pamilya tungkol sa agtratrabaho at pagmimigrate sa ibang bansa. Oo, mahirap nga ang buhay sa ngayon pero ang tingin ko nasa pagtutulungan yan para bumangon ang bayan. At napansin ko kasi ang kahulugan sa maraming Pinoy nang maginhawang buhay ay maraming pera at easy money. Ang gusto yata nila ay konti upo at gawa tapos kikita ka na nang malaki. Sa tingin ko kahit saan ka pumunta saan mang sulok nang mundo, kailangan talagang pinaghihirapan ang bawat perang mapupunta sayo. Dahil ang totoong spelling nang SUCCESS is... S W E A T...
No comments:
Post a Comment