Simpleng Buhay - diverted cyberlife of a political life planner

Friday, April 08, 2005

Simpleng Buhay

Maghapon akong nanood nang TV at inabangan ang live coverage sa libing ng Mahal na Santo Papa, ang balak ko sana ay makipagkita kay Drew at pumunta kami sa Luneta pero may inaasikaso pa siya sa school.

Hinatid na sa huling hantungan ang mahal na Santo Papa John Paul II, napaka tradisyunal pero SIMPLE lang. Ultimo ang kabaong niya na dapat ay nabablutan ng ginto at pilak ay pinili niya na simpleng kahoy lang. Speaking of "SIMPLE", naalala ko yung nakita ko sa Lifestyle Asia Magazine about sa Revilla's Sister Issue, nakita ko dun sa isang page na naka-model sila at naka caption something like this...yung suot nilang damit at worth 84,000 pesos. Nagulat ako dahil damit lang nagkakahalaga na nang ganun kamahal. Naisip ko tuloy yung sinabi ni Korina sa libing ni Pope John Paul II, "napaka-impluwesnyang tao at kilalang kilala yet mas pinili niyang kahoy lang ang gamitin sa kabaong niya". Kung iisipin mo, kilalang tao sa buong mundo ang Pope pero napaka-simple lang niya, about naman sa Revilla's Sister, alam natin na mayaman sila at ayun ang kinalakihan nila pero ang magsuot nang ganun kamahal na damit, hindi ko siguro kakayanin, kung kasing yaman din nila ako, oo bibili ako ng mahal na damit na siguro worth 1,000 to 10,000 pesos sabihin na natin na ganun kamahal pero worth 84,000 pesos, hindi siguro, mas maganda siguro kung yun 84,000 pesos ay tinutulong na lang nila sa mga kapuspalad. Ano sa tingin nyo?

Sa pagkamatay nang Papa, hanggang sa paghatid sa kanyang huling hantungan, pinakita niya na pantay pantay ang lahat ng tao at siya mismo bumaba sa pedestal at nakisalamuha sa mga tao sa buong mundo.

Paalam Ama, Paalam Pope John Paul II.

No comments: