Broadcast Journalist at Web Designer - diverted cyberlife of a political life planner

Tuesday, May 31, 2005

Broadcast Journalist at Web Designer

After kong manggaling sa Informatics, dumaan muna ako sa Tutuban Mall para magpalamig, masyado kasing mainit sa labas. Naglalakad ako sa loob ng mall nang makita ko sa GMA Kapuso Vision at marinig ko ang mga katagang ito:

Ito po si Raffy Tima
Ito po si Sandra Aguinaldo
Ito po si Jay Taruc
Ako po si Kara David
Ako po si Howie Severino, at ito ang I-Witness
.

Bumalik sa alaala ko ang pangarap at ang una kong inibig ang Broadcast Journalism. Bilang isang video hobbyist, ang paggawa ng mga dokumentaryo at maging isang broadcast journalist ang gustong gusto ko. Napaisip tuloy ako at nanghinayang? Tama ba ang landas na tinatahak ko, well bukod sa broadcast journalism, hindi naman ako nanghihinayang sa web designing dahil isa din ito na gustong gusto ko sa buhay ko.

"Keep reaching for the stars but keep your feet on the ground" -Jolina Magdangal's motto

No comments: