Now That I Have You? - diverted cyberlife of a political life planner

Saturday, May 14, 2005

Now That I Have You?

Ngayon maghapon ito magkasama kami ni Shiela, sinundo ko siya sa Gerry's Grill dahil vacant niya nang 2-6pm at sabay kami naglunch. At saya nang buong araw ko habang magkasama kami, feeling ko akin ang mundo habang kasama ko ang taong espesyal sa akin. Kung puwede lang na ganito kami lagi bakit hindi pero imposible yun. Si Shiela pala yung klasmate ko nung elementary pa, after that pumasok na ako sa Mapua High School and then hindi ko na siya nakita, nakita ko nalang ulit siya this college and then lagi ko siya nakikita sa LRT pero hindi ko naman siya nakakausap dahil hindi pa ako sure nun. Gumawa ako ng paraan para mahanap at makausap talaga siya hanggang sinearch ko siya sa Friendster, thanks sa friendster.com at nahanap ko ulit siya. At siyang siya nga. Hanggang ngayon masaya parin kaming magkasama.

"...alam mo yung sinabi sa napanood kong movie na kapag masaya ang alaala nyo nung bata pa kayo, siguradong magsasama kayo matagal at mas masaya hanggang pagtanda, di ba ganun tayo..." -Stained Glass, Jamie Shin talking to Gerry Lee

"dah laz tym i fel in luv, i got hurt n told myself nvr 2 fol in luv agen, bt den u cme n tach mah hart... sbeh coh: "laz nah 2! pg nwla kpa...ayoko n tlga!" - I texted this quote to Shiela Marie

No comments: