Baka hindi kayo maniwala pero totoong nangyari ito, palagay ko nga series of unfortunate events ang dating... 22nd of May, namatay ung cousin ko si Ronald Ramiro dahil sa sakit sa bato, close sya sa family kasi isang dekada namin siyang kasama dito sa bahay. Umuwi nang province ang tatay at nanay ko para sa burol at libing nya.
Then 23rd of May, madaling araw nang muntik nang magkasunog sa lugar namin dahil sa pumuputok na kontador/metro, sa kadahilanang mga illegal connections/or jumper. Thank God at naagapan at namatay ang apoy.
24th of May, umaga nang magbrownout dahil sa nangyari nga, para putulin ang mga illegal connections. Umaabot hanggang friday ang brownout. (isipin mo yun, nakaya namin magtiis nang tatlong araw na walang ilaw, parang panahon ni Pres. Cory Aquino). Habang brownout, bumuhos ang malakas na ulan at dahil sa butas na alulod, tumagas ang tubig sa pader at binaha kami sa loob buti nalang naagapan pa at hindi pa kami tulog nung oras na yun kung hindi, ewan ko nalang.
No comments:
Post a Comment