Docufest - diverted cyberlife of a political life planner

Wednesday, September 14, 2005

Docufest

Howie Severino (ang aking idolo)

Nagulat ako at hindi akalain na marami pala ang nagkakainteres sa documentary show. Hindi ko inakala na mapupuno ang buong teatro kung saan nagaganap ang I-Witness Docufest. Halos makipagsiksikan ang mga tao papasok sa loob ng sinehan, ang nakakagulat dito ay hindi lang matatanda ang mga nanonood dahil halos lahat ng nakita ko ay mga kabataan, interesado at sinusubukan imulat ang kanilang kamalayan sa pamamgitan ng panonood ng nasabing dokumentaryo.

Limang dokumentaryo ang pinalabas nung hapon din iyon, at nang matapos ay nagkaroon ng diskuyon sa panig ng mga hosts na sina Raffy Tima, Jay Taruc at Howie Severino, kung saan maaring magtanong ang mga manonood ukol sa kanilang nakita at nasaksihan.

Ito po si Julius Cris Delos Reyes
at ito ang I-Witness.

(wow napakatagalog na tagalog at masinsinan ang journal entry ko ngayon ha...siyempre kasi ba naman tungkol ito sa I-Witness Docufest, kung saan nakita namin ni Andrew ang paborito kong Documentary Host walang iba kundi si Howie Severino, bukod kay Abner Mercado, Karen Davilla at Jessica Soho.)

No comments: