"...lahat ng tao may problema, walang taong walang problema sa mundong ito..."
Kahit ako siyempre may problema pero mas madalas, kinikimkim ko nalang ito at hinahanapan ng solusyon mag-isa, sa likod ng ngiti na bumabalot sa akin, may problema din ako pero mas gusto ko na lang sarilinin upang hindi na makaapekto pa sa ibang tao at baka masiraan lang tayo nang ulo pag masyadong sineryoso.
Nagtext sa akin si Vhanie, at humihingi nang payo tungkol sa kung ano ang dapat nyang gawin sa mala-Kastilyong Buhangin relasyon nila ng kanyang asawang si Icko.
Si Andrew, kasalukuyang pinoproblema ang kanyang pag-aaral sa Mapua at ang kanyang estado dito, isama mo na dito ang kamakailan lamang nilang paghihiwalay ni Menchie (gf niya) at ang kanyang trabaho bilang CSR.
Pareho ngang nabanggit ni Andrew & Vhanie sa akin na minsan nga daw naiisip na nilang magpakamatay or mag-suicide dahil sa problema, kung alam ko lang daw ang nararamdaman nila.
Ang sagot ko naman sa kanila, isipin nyo na lang na masuwerte pa rin tayo, lahat naman ng tao ay may problema, yung iba nga ay may mas malaki or mahirap na problema kaysa sa atin and yet pinipili pa rin nilang lumaban sa hamon ng buhay.
di ba nga kahit gasgas na ang linyang ito ay sasabihin ko parin sa inyo, "...habang may buhay, may pag-asa"
No comments:
Post a Comment